Sumusunod ang AnsibleHealth sa mga naaangkop na pederal na batas sa karapatang sibil at hindi nagdidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan (kasama ang limitadong kasanayan sa Ingles at pangunahing wika), kasarian (alinsunod sa saklaw ng diskriminasyon batay sa kasarian na inilarawan sa 45 CFR 92.101(a)(2)), edad, o kapansanan. Hindi ibinubukod ng AnsibleHealth ang mga tao, at hindi rin sila tinatrato nang mas masama kaysa sa iba, dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad o kapansanan.
Ibinibigay ng AnsibleHealth nang libre ang mga sumusunod:
Kung kailangan ninyo ang mga serbisyong ito, makipag-ugnayan sa aming Tagapag-ugnay ng Seksyon 1557 sa clinical@ansiblehealth.com o sa 1-877-267-4253 (TTY: 711).
Kung naniniwala kayo na nabigo ang AnsibleHealth na ibigay ang mga serbisyong ito o nagdiskrimina ito sa ibang paraan batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad o kapansanan, maaari kayong maghain ng karaingan sa: Section 1557 Coordinator, AnsibleHealth, 1032 E Brandon Blvd #4253, Brandon, FL 33511; clinical@ansiblehealth.com; 1-877-267-4253. Maaari kayong maghain ng karaingan sa pamamagitan ng email sa clinical@ansiblehealth.com. Kung hindi kayo makagamit ng email, maaari kayong maghain sa pamamagitan ng koreo o telepono. Pakisabi sa amin ang inyong pangalan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan, kung ano ang nangyari, kailan ito nangyari at sino ang mga sangkot, ang wikang mas gusto ninyo, anumang tulong na kailangan ninyo upang makalahok, at kung ano ang gusto ninyong gawin namin. Kung kailangan ninyo ng tulong sa paghahain ng karaingan, handang tumulong sa inyo ang Tagapag-ugnay ng Seksyon 1557.
Maaari rin kayong maghain ng reklamo tungkol sa karapatang sibil sa Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao ng Estados Unidos, Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil, sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Portal ng Reklamo ng Tanggapan para sa mga Karapatang Sibil sa https://ocrportal.hhs.gov/ocr/portal/lobby.jsf, o sa pamamagitan ng koreo o telepono sa: U.S. Department of Health and Human Services, 200 Independence Avenue SW, Room 509F, HHH Building, Washington, DC 20201, 1-800-368-1019, 1-800-537-7697 (TDD). Makukuha ang mga form ng reklamo sa https://www.hhs.gov/ocr/complaints.
Makikita rin ang abisong ito sa aming website sa https://www.ansiblehealth.com/nondiscrimination/.
PAALALA: Kung nagsasalita kayo ng Tagalog, may makukuha kayong mga serbisyong tulong sa wika nang libre. Makukuha rin nang libre ang mga naaangkop na auxiliary na tulong at serbisyo upang magbigay ng impormasyon sa mga naa-access na format. Tumawag sa 1-877-267-4253 (TTY: 711) o makipag-usap sa inyong pangkat ng pangangalaga.